Meron bang mga tao sa buhay niyo na maraming kasalanan sa inyo?
...
Kung sa bagay, matagal na panahon na rin ang nakalipas. 22 na ako ngayon at noon naman ay hindi ko pa alam na masama pala ang trato sa akin. Ang alam ko noon, kamag-anak namin sila at inaalagaan nila kami. Ngayon lang, na nakakaintindi na ako ko na-realize na ang tindi rin pala ng pinag-daanan ko. Totoo palang may mga impakta sa mundo.
Maldita sila.
Alam naman siguro nila kung anong mga pinaggagawa nila sa akin at sa kapatid ko noon.
Pero ngayon, hinihingan nila ako ng tulong. Pag-aralin ko raw ang pinsan ko.
Mag padala daw ako ng pera. 'Pinsan' at 'anak ko' na ang tawag nila sa akin.
Wala akong pinag-aralan. High school lang ang natapos ko. May ilang taon na rin akong nagta-trabaho. Magsi-siyam na. Wala akong ipon, marami akong mga utang sa ngayon, pero lahat ng meron ako (pati na ang pamilya ko) pinaghirapan ko (namin) na makuha. Sa lahat ng mga nangyari sa akin noon, binibiyayaan ako ng Diyos ngayon. Sa tulong Niya at konting tiyaga, nakakaraos naman ako.
Dapat, magpatawad na lang ako. Pero mahirap patawarin ang bagong usbong na hinanakit.
Monday, October 27, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment